ica maldita

story of my life;)

Monday, January 03, 2005

Daniel RaDcLiffe

ANG AKING HINAHANGAAN


Ang aking hinahangaan,
laging makikita sa telebisyon.
Sikat na sikat,
dahil sa kagalingang umarteng walang katulad.

Napakagwapo at napakagaling;
kay ganda ng mata na tila langit;
katatangkad at kapuputi,
at may ngiting nakamamatay.

Hindi lang sa telebisyon at sinehan makikita,
pati sa isip at panaginip ko’y nandon.
Pati narin siguro sa puso,
pero hindi sa tunay kong mga mata.

Kami’y magkasama, magkahawak-kamay;
nagtatawanan, nagngingitian at naglolokohan;
talagang napakasaya namin,
pero ito ay isang panaginip lamang.

Kelan kaya magiging totoo
ang aking gabi-gabing pinapangarap?
Nasasaktan lang ang aking damdamin,
dahil alam kong, kelan may, hindi pwedeng mangyari yon…L

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home