poems
KAIBIGAN
Kami’y nag-away ng aking kaibigan,
dahil nga sa maling pag-uunawaan.
Kaya ngayon ako’y lumisan ng bayan.
Sana nga ay tama ang napag-isipan.
Ilang araw lang na di tayo nagkita,
hindi ko na kayang matiis pa yata.
May nakita akong naglalarong bata,
naalala ko ang ating nakaraan.
Aking naisipang bumalik sa bahay.
Ngunit ako’y nahihiya saking nanay,
ako’y rason sa pagkamatay ng tatay.
Sana ako ay mapatawad ni nanay.
Sa kalaliman ng malakas na ulan,
dito sa lupa, biglang may kinidlatan.
Nakita ko ito’y malapit sa bayan,
natakot ako, baka sya’y tinamaan.
Ako ay nagmamadaling tumatakbo,
para makarating ako sa bahay nya.
Nakita ko nalang ang maraming tao,
ako’y sumingit at nawalan ng kibo…
Ngayon, sa lahat, ako ay nagsisisi,
saking mga nagawang pagkakamali.
Binalak ko na ngang ibalik ang dati,
dahil sana’y ‘ko nalang ang tinamaan.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home