poem
KALIKASAN
Maraming ginawa ang Diyos:
Mga dagat at karag’tan,
na tuloy parin ang agos,
at iba pang katubigan.
Meron pa ding anyong lupa:
May bundok, burol at bulkan,
talampas at kapatagan,
lambak at marami pang ‘ba.
Kasama narin ang hayop,
inalagaan, kinupkop.
To’y mga likas na yaman;
-nanggaling sa panginoon.
Mga puno at bulaklak,
mabango ang halimuyak.
Pati mga alapaap,
na kay sarap ngang titigan.
Kay sarap namang pagmasdan,
ang araw na lumulubog.
Ang mga simoy ng hangin,
masarap sa ating balat.
‘To ang ating kalikasan.
Ito ay para sa atin.
Di natin dapat sirain,
dapat itong alagaan.
Ito’y magandang pagmasdan,
lalo na sa kabutihan.
‘To’y atin pang pagandahin,
at wag na nating sayangin.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home